Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan para sa ika-4 na State of the Nation Address o SONA ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa July 28. Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-iral ng masungit na panahon.
Ayon sa House of Representatives, 90 hanggang 95 porsyento na silang handa para sa taunang ulat sa bayan ng pamahalaan.