Nasa P11-M na ayuda ang ipamamahagi ng Department of Labor and Employment Region 7 sa mga apektadong manggagawa ng micro-small and medium enterprises na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa nangyaring lindol sa Cebu noong Martes.
Samantala, bagaman marami ang dumadating na tulong at donasyon sa probinsiya, may ilang Cebuano na nananawagan ng tulong dahil hindi pa naaabot ang kanilang lugar dahil sa lawak ng pinsala.