Mula sa dating 20%, bumaba sa 19% ang taripang ipapataw ng Estados Unidos sa ilang produktong mula sa Pilipinas, batay sa napagkasunduang panibagong trade terms.
Kasama rin sa kasunduan na walang buwis na ipapataw ang Pilipinas sa mga produktong imported mula U.S.
Sa kabila ng mga agam-agam, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ito ay isang malaking tagumpay para sa bansa.