Bagama’t pinuri ni Rep. Leila De Lima ang mga hakbang laban sa korapsyon sa flood control projects, iginiit niyang kailangang patunayan ng administrasyon na seryoso ito sa pagsugpo ng katiwalian.
Ipinahayag din niya ang pagdududa sa kalidad ng serbisyong pangkalusugan na nabanggit sa SONA, lalo na sa ilalim ng PhilHealth. Aniya, kahit sinasabing libre ang halos lahat ng health services, marami pa rin ang nagrereklamo.