Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na bumagsak ang isang Super Huey chopper ng Philippine Air Force sa Loreto, Agusan del Sur habang nagsasagawa ng disaster response mission kahapon, araw ng Martes.
Ayon sa EastMinCom, patungo ang eroplano sa Tactical Operations Group 10 sa Butuan City para sa relief operations sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Tino.






















