Nais ng mga European leaders na manindigan para sa interest ng Ukraine si United States President Donald Trump sa nakatakdang pag-uusap nila ni Russian President Vladimir Putin sa Alaska.
Iginiit ng European Union na dapat kasama ang Ukraine sa naturang pag-uusap lalo na’t ang pagtatapos ng digmaan sa Russia at Ukraine ang pag-uusapan ng dalawang lider.