Inihahanda ng Department of Agriculture ang pagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa ilang gulay at karne simula sa Disyembre.
Layunin nito na maiwasan ang pananamantala sa presyo lalo na’t inaasahan ang mas mataas na demand ngayong darating na holiday season.
Tiniyak ng DA na hihingi sila ng tulong sa Department of Trade and Industry at Philippine National Police upang masiguro na maipatupad ng mga pamilihan ang itinakdang presyo.






















