Dapat makayang ipagtanggol ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang sariling teritoryo sakaling sumiklab ang digmaan.
Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pagbubukas ng joint military exercise ngayong araw. Giit niya, hindi agad makararating ang tulong ng mga kaalyadong bansa kaya dapat laging handa ang AFP sa pagtatanggol ng teritoryo – sa dagat, himpapawid, at lupa.






















