Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga imbestigador ng pambansang pulisya para mangalap ng mga ebidensya laban sa mga nanggulong protesters noong Linggo sa Maynila.
Siniguro rin ng pamunuan ng PNP na mahaharap sa airtight cases maging ang mga responsable sa likod ng karahasan kung saan halos isang daang pulis ang nasugatan.