Nagpakita si Vice President Sara Duterte kahapon sa Davao City.
Ito ay matapos siyang akusahan ng Office of the President na lilipad patungong Kuwait nang walang kaukulang travel authority.
Ayon sa bise, isa lang itong 'political scapegoating' upang ilihis ang isyu sa mga tunay na problema ng Pilipinas.