Nakakuha ng mga dokumento at isang computer na posibleng maging ebidensya si dating Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez.
Sa isang panayam kay Sen. Panfilo Lacson, Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi nito na maaaring iprisinta ang mga ito sa Setyembre 23, kung kailan siya nagpatawag ng pagdinig, bunsod na rin ng mga bagong development.