Binatikos ng Philippine National Police ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapakalat ng pekeng balita.
Ayon kay PNP Chief General Nicolas Torre III, lumabas sa imbestigasyon na karamihan sa mga video ng karahasan na ibinabahagi ng DDS vloggers at trolls ay mula sa ibang bansa ngunit pinalalabas na nangyari sa Pilipinas.