Nakataas na sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council habang pinaigting ng Office of Civil Defense ang koordinasyon sa mga local government unit bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Uwan.
Sa Visayas, hindi muna pinababalik ng OCD ang mga lumikas sa evacuation centers matapos ang bagyong Tino bilang pag-iingat sa banta ng paparating na bagyo.























