Libo-libong flights sa Estados Unidos ang naantala o nakansela mula pa noong Linggo dahil sa matinding kakulangan ng personnel bunsod ng halos 2 buwang government shutdown.
Dalawang linggo nang walang sweldo ang mga empleyado ng Department of Transportation, kabilang ang flight controllers at checkpoint screeners, na nagdudulot ng mahabang pila at higit 5 oras na delay sa mga biyahe.






















