Hindi pa sapat na gawing batayan para maparusahan ang mga inaakusahan ng katiwalian ang naging rebelasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa chairman ng UST Department of Political Science na si Prof. Dennis Coronacion.
Upang magkaroon ng halaga ang mga sinabi ng dating mambabatas, dapat ay sumumpa ito na inaako niya ang kaniyang mga salaysay upang magamit sa pagsasampa ng kaso.






















