Ibinunyag ng isang senador na may resolusyon umanong umiikot sa Senado na layong iapela ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon kay Senator Erwin Tulfo, wala pang pormal na hakbang at napag-usapan lamang umano ito sa kanilang caucus o pagpupulong.