Isa lamang kortesiya sa kaniyang kapwa lider ang ginawang pakikipagkamay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping.
Ipinaliwanag din ng Pangulo na wala rin namang dahilan na magkaroon sila ng bilateral meeting dahil hindi naman tamang lugar ang APEC para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.






















