Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na aakuin na ng Department of Agriculture ang konstruksyon ng farm-to-market road projects.
Ito ay sa halip na iatas, aniya, ang proyekto sa Department of Public Works and Highways na nakakaladkad ngayon sa malawakang anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.