Determinado ang administrasyon na ayusin at linisin ang Department of Public Works and Highways na karaniwang kasama sa listahan ng mga most corrupt agencies sa bansa.
Ayon sa bagong kalihim ng ahensya na si Sec. Vince Dizon, ang kaniyang gagawing malawakang reporma sa kagawaran ay base sa direktiba mismo sa kaniya ni PBBM.