Kinumpirma ni National Police Commission Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan na sangkot din sa kaso ng missing sabungeros ang ilang mga pulis na sinampahan ng kaso sa Napolcom.Matapos ang 2 buwang imbestigasyon sa ilang reklamong isinampa ng mga complainant sa Napolcom, 11 mga pulis ang sinampahan na ng administrative case ng komisyon kaugnay sa umano'y extrajudicial killings na nangyari noong 2021 sa Maynila at Las Piñas.






















