Nangako ang House of Representatives na isasagawa ang lahat ng legal na hakbang upang protektahan ang kalayaan ng Kongreso at gampanan ang tungkulin nito sa ilalim ng Saligang Batas.
Ito ang pahayag ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara, matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang articles of impeachment na inihain sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.