Nakahanda na ang ilang division ng Philippine Army upang umalalay sa Comelec at Philippine National Police sa pagpapatupad ng kaayusan sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Election sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, patuloy ang preparasyon sa hanay ng seguridad sa kabila ng inilabas na TRO ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomy Act No. 77.