Nanawagan ang Philippine Constitution Association o PHILCONSA sa Korte Suprema na pag-aralang muli ang desisyon kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa tagapanguna ng samahan na si former Chief Justice Reynato Puno, magpapawalang-saysay sa impeachment na eksklusibong kapangyarihan ng Kamara ang mga bagong patakarang isinulat ng Korte Suprema.