Naniniwala ang Integrated Bar of the Philippines o IBP na hindi isolated abuses lamang o kaya’y simpleng lapse of governance ang nabunyag na mga ghost at sub-standard na flood control projects.
Sinabi ng IBP na sintomas ito ng katiwalian sa pamahalaan kung saan nagiging karaniwan na ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan.