Muling binomba ng Israel ang Gaza at iginiit na lumabag ang Hamas sa ceasefire deal na isinusulong ng Estados Unidos.
Ayon sa mga awtoridad, 26 ang nasawi sa sunod-sunod na airstrikes, kabilang ang mga sibilyang nadamay sa Gaza City at Bureij refugee camp.






















