Umiiwas ang nagbitiw na kongresistang si Zaldy Co sa mga paratang sa kaniya kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Umapela rin si Dy kay Co na umuwi ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.






















