Sinilip ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang mahigit 120 flood control projects sa 1st congressional district ng Davao City mula 2019 hanggang 2022.
Ayon sa mambabatas, sa bilang na ito, 80 proyekto ang kwestiyonable, gaya ng may posibilidad na ghost projects, may sapawan, doble ang ginawang pagpopondo, pagbabago sa lokasyon ng proyekto, overpricing, at walang malinaw na specifications sa mga ini-award na kontrata.






















