Pinabulaanan ni Special Assistant to the President for Investments and Economic Affairs Secretary Frederick Go ang mga ulat na malulugi ang Pilipinas sa kasunduan ng zero tariff sa U.S. imports.
Giit niya, pinag-aralan nang mabuti ang bawat aspeto ng negosasyon bago ito tuluyang tinanggap ng pamahalaan.