Nanawagan ang Department of Trade and Industry o DTI Negros Oriental sa publiko na ireport ang mga negosyong nananamantala sa pamamagitan ng labis na pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Bagamat wala pang pormal na reklamong natatanggap ang ahensya sa pagmahal ng ilang produkto, tiniyak ng DTI na mananatili silang nakabantay sa presyo ng mga bilihin.






















