Naghain ng mosyon sa Korte Suprema ngayong hapon ang ilang dating mahistrado upang humiling na maglabas ng kautusan na pansamantalang ipatigil ng Senado ang pagtalakay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
May ilang grupo rin ang nananawagang baligtarin ng hukuman ang desisyon ng SC kaugnay ng naturang kaso.