Patuloy pa rin ngayon ang ginagawang pag-aaral ng mga eksperto hinggil sa mga lumitaw na sinkholes sa Northern Cebu matapos na tumama ang magnitude 6.9 na lindol noong September 30.
Bukod sa paglaki ng mga butas sa lupa, patuloy din ang pagdami ng bilang ng mga ito, kaya naman nagbabala ang mga awtoridad sa panganib na dala nito, lalo na sa mga residente sa lugar.