Naniniwala si Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na walang contractor o sinoman sa mga appointed niyang undersecretary ang may koneksyon sa mga kontratista.
Paliwanag ni Sec. Dizon, kilala niyang personal ang mga itinalaga niya sa kaniyang termino sa ahensya at siya mismo ang pumili sa mga undersecretary at nagrekomenda sa mga ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.