Ipinanawagan ng isang kongresista ang paghahain ng civil forfeiture cases sa mga dawit sa mga anomalya sa flood control projects.
Ito ay para mabawi na agad ang mga ninakaw na pera sa kaban ng bayan, ayon kay House Assistant Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.






















