Nakahanda nang magpadala ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD ng mga modular shelter units para sa mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na lindol sa Davao Oriental nitong nakaraang linggo.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, nakikipag-ugnayan na ang mga tauhan ng DHSUD sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matukoy ang eksaktong pangangailangan ng mga biktima.