Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema, ilang senador pa rin ang nais ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, maaari itong humantong sa contempt order mula sa Korte Suprema, kaya panawagan ng ilan: sundin at igalang ang naging pasya ng kataas-taasang hukuman.