Naghahanda na ang Office of the Vice President sa posibilidad na muling mabawasan ang kanilang hiling na budget para sa 2026.
Ayon kay VP Sara Duterte, handa rin ang kanyang kampo na sagutin sa tamang forum anumang oras ang isyu kaugnay ng paggamit ng kanyang confidential funds.
Tinawag naman niyang walang basehan ang akusasyon na umano’y hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin.