Matapos pagtibayin ng Commission on Elections o Comelec en banc ang desisyon ng kanilang Second Division na kanselahin ang rehistro ng Duterte Youth Party-list, pag-uusapan ng en banc ngayong darating na Miyerkules kung paano ang pagpili sa papalit sa tatlong pwesto na nakuha ng Duterte Youth sa Kamara.