Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction And Management Council o NDRRMC na umabot na sa 71 ang iniulat na nasawi sa pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
Naitala rin ang 559 na sugatan at higit 128,000 na pamilya o katumbas 455,000 na indibidwal ang naapektuhan sa buong rehiyon.