Binaha ang ilang barangay sa Quezon City nitong Sabado dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.
Karamihan sa mga lugar na lumubog ay hindi binabaha noong mga nakaraang panahon.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na tuloy-tuloy sila sa ginagawang pagsusuri at pag-aaral upang tuluyang masolusyunan ang pagbabaha sa lungsod.