Paglilihis lang umano sa isyu na kinasasangkutan ng First Lady Liza Araneta-Marcos ang usapin ng ICC arrest warrant.
Ito ang binigyang-diin ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa bilang tugon sa pahayag ng Palasyo na aarestuhin siya kapag naglabas ng warrant ang International Criminal Court.
Kinumpirma rin ng senador na hindi siya dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.