Nais matukoy ni House Deputy Speaker Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno kung sino ang nasa likod ng realignment ng pondo sa 2025 General Appropriations Act o GAA.
Reaksyon ito ng kongresista matapos ipahayag ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na iligal ang ginawa ng Senado at Kamara nang i-realign ang P74-B na halaga ng pondo para sana sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa ibang items sa 2025 GAA.