Hindi umano isinumite ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Department of Justice ang affidavit ng 12 witness sa kaso ng missing sabungeros.
Ayon sa abogado ng isa sa mga akusadong pulis, tanging affidavit lamang ng mga kaanak ng biktima at ng whistleblower na si Julie Patidongan ang hawak ng DOJ na siyang pinagbabasehan ng imbestigasyon.