“Pag-amin sa kasalanan ang hindi pakikipag-tulungan.”
Ito ang reaksyon ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña matapos maiulat na hindi na makikipagtulungan ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa maanomalyang flood control projects.