Hindi pa rin nakakabalik sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente sa Brgy. Poblacion, Marilao, Bulacan dahil sa hanggang bewang na baha.
May nasira umanong dike ng palaisdaan sa Obando, Bulacan na siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig sa ilog, na sinabayan pa ng high tide.























