Natagpuan na ng mga otoridad ang 6 sa 13 na mangingisda sa Sta. Ana Cagayan na napaulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyong Nando kahapon.
Samantala, dumadaing na rin ang ilang mangingisda sa Calaya dahil kinakapos na sila sa pagkain, matapos mapinsala ng bagyo ang mga imbak nilang bigas at iba pang suplay ng makakain.