Isiniwalat ni Sen. JV Ejercito ang umano’y hatian sa koleksyon na ibinubulsa umano ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue o BIR at mayroon umanong scheme ng pangungurakot na ginagawa ang ilang kawani nito.
Kung may SOP sa maanomalyang proyektong pang-imprastraktura, mayroon namang LOA o Letter of Authority sa BIR.






















