Hindi obligasyon ng Pilipinas na magbayad ng danyos sa China kaugnay ng banggaan ng kanilang mga barko noong Lunes sa kasagsagan ng pangha-harass sa barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang China pa ang may dapat bayaran dahil sa pagsira sa inflatable boat ng Pilipinas at pagnanakaw ng mga baril at kagamitan ng mga sundalo sa Ayungin Shoal noong June 2024.
Sang-ayon dito ang isang eksperto na nagsabing, ang China lamang ang naniniwala sa sarili nitong kasinungalingan.