May plano na namang magsagawa ng malawakang kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa November 30.
Dahil dito, todo ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa isasagawang pagtitipon.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), mahigpit na nilang binabantayan ang social media upang matukoy ang mga nanghihikayat na lumahok sa rally.






















