Ipinapa-take down na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mahigit 30 websites ng social media influencers at vloggers na umano’y patuloy na nagpo-promote ng ilegal na online gambling.
Ayon sa CICC, ilan sa mga ito ay paulit-ulit na nilabag ang babala ng pamahalaan sa kabila ng mga naunang paalala.






















