Tikom ang bibig ng Office of the Vice President sa kinaroroonan ni VP Sara Duterte sa unang araw ng pagtalakay ng Senado sa kanyang impeachment.
Ngunit tiniyak ng Office of the Vice President na nananatiling hands-on ang Bise Presidente sa kanyang mga tungkulin.
Samantala, pagdating naman sa usapin ng impeachment, ayon sa OVP spokesperson, tuloy ang trabaho sa kanilang opisina anoman ang kahinatnan ng impeachment proceedings.